Noong ika-12 ng Oktubre 2024 ay ginanap ang 71st Anniversary ng Caritas Manila sa Cuneta Astrodome. Nagsimula ang Programa sa pamamagitan ng Pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Teodoro Bacani, Bishop Emeritus ng Diocese of Manila kasama si Fr. Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila.
Nakiisa din ang Ministry on Health Care ng Archdiocese of Manila sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng Parish Emergency Response Team (PERT) ng Our Lady of Fatima Parish, Bacood, Sta. Mesa. Naka-pagbigay ng agarang lunas ang PERT sa mga dumalo na nangailangan ng agarang atensyong Medikal.