Noong ika-5 ng Oktubre 2024 ginanap ang 8th Family and life Conference sa St. Paul College, Pasig City sa pangunguna ng Commission on Family and Life ng Archdiocese of Manila sa pakikipagtulungan nila sa CBCP-ECFL NCR at Central Luzon, Couples for Christ at Pregnancy Support Services of Asia. Ang inaasahan nilang delegado ay 1500 mula sa iba’t ibang Parokya. Nakiisa din ang Ministry on Health Care ng Archdiocese of Manila sa gawaing ito sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga delegado kung may kinakailangang bigyan ng pangunang lunas. Itinalaga ang Parish Emergency Response Team (PERT) ng Our Lady of Fatima Parish-Bacood para gawaing ito.
Sa kabuuan, nakapagbigay ng agarang pangunang lunas ang PERT sa 7 delegado na nakaranas ng pagkahilo, pagtaas ng presyon, pananakit ng ulo at batok, panlalamig at pagsusuka. Kaya napakahalaga ng pagkakaroon ng Parish Emergency Response Team sa bawat Parokya upang makatugon sa hindi inaasahang pangyayari.
Labis ang aming pasasalamat sa PERT ng Our Lady of Fatima Parish sa pangunguna ng kanilang Team Leader na si John Ryan Quijano at ng kanilang Kura Paroko Reberendo Padre Jun Abogado III.