Nakakamangha lang isipin na sa gitna ng kanyang malubhang karamdaman nakuha pa niyang magdala ng palaspas papuntang ER ng PGH para siya ay handa kung sakali mang maadmit at maaabutan ng Palm Sunday which is still a week away. According to initial findings may butas daw ang kanyang bituka at may butas din ang kanyang pantog. Kung tayo kaya may butas sa bituka at may butas sa pantog makaisip pang magdala ng palaspas papuntang ER? What an amazing preparation you have for the Holy Week. Nakakamangha ka! Saludo ako sa yo! Sana po ikaw ay gagaling sa iyong karamdaman. Indeed, in matters of faith and practice, we don’t only learn from great and brilliant theologians, professors and pastors, but we always learn from simple people like Tatay Jose – the Anawim!