As an act of gratitude and praise for the Lord’s goodness to you, you may want to share your blessings. We can serve as channels of God’s grace. Be an answer to other’s prayers.
Ibinahagi sa RCAM-Ministry on Health Care (RCAM-MHC) ang isang 2nd hand wheelchair sa kagandahang-loob ni Sis. Rosie Gosingco isang miyembro ng Parish Lay Health Care Ministry (PLHCM). Ito ay naibigay na din ng RCAM-MHC sa kapatid nating nangangailangan.
Sa mga nais magbigay ng donasyon o ng mga hindi na ginagamit na mga wheelchair at adult diaper mangyaring makipag-ugnayan lamang sa aming opisina sa Room 222 Pope Pius XII, Paco, Manila. Maging daluyan ng pagpapala sa mga kapatid ng mga maysakit.