Medical Mission

Ika-12 ng Agosto 2023 nagkaroon ng Medical Mission sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz sa pakikipagtulungan ng Ministry on Health Care ng Archdiocese of Manila at Cardinal Medical Charities Foundation Inc ng Cardinal Santos Medical Center at sa pakikiisa ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center at ng San Lazaro Hospital. Tumulong din sa nasabing gawaing ito ang Parish Lay Health Care Ministers ng Bikaryato ng Sto Niño sa pangunguna ng kanilang Vicariate Coordinator na si Dr. Wilson Chua.

Nakapagbigay ng atensyong medikal para sa walumpu’t dalawang (82) matatanda at dalawampu’t isang (21) bata at namigay din ng libreng gamot na kanilang kakailanganin.