Noong Mayo 27, 2023 isinagawa ng Cardinal Medical Charities Foundation Inc ng Cardinal Santos Medical Center sa pakikipagtulungan ng RCAM-MINISTRY ON HEALTH CARE ang Cancer Awareness and Prevention sa Vicariate of Sto Niño Health Center. Dinaluhan ito ng 30 kababaihan at karamihan sa kanila ay mga Nanay. Nagbigay ng panayam si Ms. Jenny Laxamana patungkol sa kahalagahan ng kaalaman tungkol sa Breast Cancer. Matapos ng pag-aaral ay nagbigay ng libreng konsultasyon para sa mga nagsipagdalo ang ilang Doctor mula sa CSMC sa pangunguna ni Dra. Celia Mendoza.
Maraming Salamat sa mga nakiisa at lumahok sa gawaing ito gayundin sa Cardinal Medical Charities Foundation Inc at Cardinal Santos Medical Center.
Sa mga nais magbigay ng tulong sa RCAM-MHC magsadya lamang sa opisina sa Room 222 Pope Pius XII, UN, Paco Manila.