Sa darating na ika-14 ng Agosto 2024, sa ganap na ika-9 ng umaga ay gaganapin sa 4th Floor Hallway, Arzobispado, Intamuros, Manila, ang General Assembly ng lahat ng mga nakatapos sa ibinigay ng Ministry on Health Care patungkol sa “Sacraments and Sacramentals in Hospital Setting.” Ang layunin nito ay mabigyan pa ng karagdagang kaalaman patungkol sa Sacraments of Healing at matiyak din kung nagagamit ba sa kani-kanilang Ospital ang kanilang natutunan.