32nd World Day of the Sick and Medical Mission

Noong ika-10 ng Pebrero 2024, ipinagdiwang sa Arkidiyosesis ng Maynila ang ika-32 Pandaigdigang araw ng mga Maysakit na may temang, “It is not good that man should be alone”. Healing the Sick by Healing relationships. Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula, Arsobispo ng Maynila ang Banal na Misa kasama ang mga Pari ng Association of Hospital Chaplaincy ng RCAM-Ministry on Health Care at mga kasamang Pari mula sa Archdiocese of Manila.
 
Ang pagdiriwang na ito ay sa pangunguna ng Order of Malta Philippines sa pakikipagtulungan ng RCAM-MHC. Dinaluhan ito ng mga maysakit, mga nag-aalaga, Health care providers, representative mula sa iba’t ibang Parokya at Parish Lay Health Care Ministry.

Pagkatapos ng Banal na Misa na ginanap sa Manila Cathedral, isinagawa naman ang Medical Mission sa Mary Comforter of the Afflicted Parish, Maricaban, Pasay. Dinaluhan nito ng mga Ospital mula sa Cardinal Santos Medical Center, ManilaMed, Ospital ng Maynila, Jose R. Reyes Memorial Medical Center at Philippine General Hospital. Sa kabuuan 410 (162 Pedia, 248 Adult) katao ang nabigyan ng atensyong medikal.

Maliit man ang simbahan, sa mga mahihirap at may sakit–siya pa rin ang kanlungan. Masikip man ang daanan, siya pa rin ang takbuhan. (Fr. Lito Ocon, SJ, PGH-Chaplain)

Maraming Salamat sa lahat ng mga Doctors, Nurses, Parish Volunteers at sa mga nagbigay ng donasyon at mga gamot.