Noong Setyembre 30, 2023 ginanap ang Parish Lay Health Care Ministers General Assembly (PLHCM-GA) sa Karell Hall ng Paco Catholic School, Paco Manila. Dinaluhan ng ito ng isandaan at dalawampung miyembro ng Parish Lay Health Care Ministry at kinatawan mula sa iba’t ibang Parokya sa Arkidiyosesis ng Manila. Sinimulan ang pagtitipong ito sa pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Manuel Abogado III, Minister ng Ministry on Health Care. Nagkaroon din ng panayam tungkol sa Mental Health First Aid and Self-Care sa pangunguna ni Mr. Eric L. Dimar, MA, RGC, RPsy. Binigyang pansin niya ang kahalagahan ng pangunahing lunas patungkol sa pangangalaga sa kaisipan at paano mapanatiling malusog ang kaisipan ng mga PLHCM habang sila ay nagbibisita sa Maysakit at naglilingkod. Sa huling bahagi, nagkaroon ng bahaginan tungkol sa mga nais imungkahing gawain o proyekto para sa mga DASH (Dying/Depressed, Aged/Abandoned, Sick/Suffering, Hopeless/Handiccaped) at mga naging balakid at pagtatagumpay nila sa paglilingkod sa mga Maysakit.